Life Learners Starts Feb 15

Magsisimula na! Life Learners Support Group: Ikwento mo na ang nilalaman ng puso mo! 

Magbubukas na ang weekly kwentuhan, tawanan at barkadahan. Bagong format, bagong mga kaibigan sa bagong buhay! Simula February 15, every Friday na tayo magsasama-sama, 7:00 to 10:00pm sa New MCC Quezon City Center sa Aurora, Cubao.

LIFELEARNERS copy 3
Bakit Life Learners at ano ang nangyayari sa mga meetings na ito?

“Life Learners” dahil ito ay pagsasama-sama ng mga taong gusto matuto sa buhay ng bawat isa. Sagutin natin ang tanong ng mga tanong pa:

Nararamdaman mo ba minsan na kailangan mo i-share ang iyong mga weekly kwento pero walang sumeseryoso sa’yo o pagod na makinig ang mga tao sa paligid mo kaya kailangan mo ng bagong audience?

Gusto mo ba ng mga kasama na tutulong sayo na magproseso ng iyong mga iniisip, nararamdaman at pinagdadaanan?

Pagod ka na ba sa gimik lang ang ending ng week mo lagi at parang gusto mo ng mas meaningful na conversations at pagsasamahan?

Ito na yon! Sa Life Learners, ke mababaw o malalim ang pinaghuhugutan, may lugar ka, may matututunan ang ibang tao sa experiences mo, at ikaw, sa experiences nila. Bukod dito, swak na swak pa ang mga special topics na paguusapan every Friday!

Kung gusto mo ng new experiences, kailangan mong maglakas loob na mag-welcome ng mga bagong tao sa buhay mo. Nasa kamay mo ang next step sa iyong paglago. Sali ka na! Magsama ka pa ng boyfriend, girlfriend, best friend o kapatid! Kering-keri yan!

Life Learners Support Group, Fridays 7:00 to 10:00PM. Ikwento mo na ang nilalaman ng puso mo!